√Jireh Lim - Mahal Pa Rin Kita Lyrics

Jireh Lim - Mahal Pa Rin Kita Lyrics
: Jireh Lim
: YouTube Musical sensation known for his self-named channel where he posts fronts of mainstream tunes. His channel has more than 550,000 endorsers.


Song lyrics

Bakit ba nawala na ang pagmamahal na aking inakalang wala ng wakas
Nawalan ng kulay ang ngiti mong dating punong puno ng sigla
Tila kanina lang nung tayo ay sabay nangangarap
Nakangiti sa kawalan ikaw ang kayakap
Lahat ng ito ay hanggang pangarap na lamang
Mula nung ika’y nawala
Wala na ring ganang gawin ang lahat lagi lang tulala
Laging naiisip ang ating masasayang alaala

Di ko alam kung paano pa magpatuloy ang buhay nang di ka kasama
Hindi na maibabalik pa ang kahapon ng ating dalawa

Mahal pa rin kita kahit na nasasaktan
Habang pinipilit kong limutin ka lalo kang di mawala
Dahil mahal pa rin kita di mo ba maramdaman
Kahit na iniisip kong kaya ko na sigaw ng puso ko’y iba
Kahit patuloy na nahihirapan na
Mahal pa rin kita

Nung sinubukan mong lumaban pa
Dun ko nakita ang lungkot sa’yong mga mata
Bumigay ang lahat nang ako’y iyong yakapin
At sabihin na ayaw mo na
Pinupuntahan ko pa rin yung madalas natin na dayuhin
Nagbabakasakaling makita ka
Makasalubong kahit sana isang sulyap lang

Di ko alam kung paano pa magpatuloy ang buhay nang di ka kasama
Hindi na maibabalik pa ang kahapon ng ating dalawa

Mahal pa rin kita kahit na nasasaktan
Habang pinipilit kong limutin ka lalo kang di mawala
Dahil mahal pa rin kita di mo ba maramdaman
Kahit na iniisip kong kaya ko na sigaw ng puso ko’y iba

Dahil mahal pa rin kita di ko na makita pa
Ang sarili kong umiibig sa iba
Hahanapin lang kita
Dahil mahal pa rin kita
Mahal pa rin kita