√Kiss n Tell – Pahina Lyrics

Kiss n Tell – Pahina Lyrics
: Kiss n Tell
: Produced By : Gino Cruz, Written By : Aniceto Cabahug III and Joshua Ortiz, Release Date : November 13, 2020


Song lyrics

Eto na ba ang huling mayayakap kita?
Huling sulyap sa langit, sa pag-bitiw ng mga ulap
At sa bawat papalayo
Luha ng paalam 'di maitago

Sana mag-ingat ka, at salamat sa lahat
Kahit sa'king aklat, 'di na ikaw ang pamagat
Alaalang 'di akalaing mabubura pala
Sana sa pagsara ng pahina, maalala mo pa

Mmm, mmm, mmm, mmm

Kinabisa ang 'yong mukha at tamis ng huling halik
Nag-aabang, humihiling, baka sakaling bumalik
At sa pagtatapos nitong yugto
Larawan ng kahapon ay itatago

Sana mag-ingat ka, at salamat sa lahat
Kahit sa'king aklat, 'di na ikaw ang pamagat
Alaalang 'di akalaing mabubura pala
Sana sa pagsara ng pahina, maalala mo

Dahan-dahang pumipiglas
Mga huling salitang binibigkas

Sana mag-ingat ka, at salamat sa lahat
Kahit sa'king aklat, 'di na ikaw ang pamagat
Alaalang 'di akalaing mabubura pala
Sana sa pagsara ng pahina, maalala mo pa

Mmm, maalala mo pa
(Mmm, mmm)

Mahal, mananatili ka sa'king puso't alaala
Mmm, mmm,
'Di ka mawawala
Mmm, mmm
Maaalala ka
Mmm, mmm
Ngunit paalam na